problema ay ang crisis sa pagkain. Sa Pilipinas ang
BIGAS ay ginawang malaking problema ( Nalibing si
lozada sa bigas, Ang ibig sabihin ang tao'y gutom ay
walan pakialam sa problemang poltika.) Kada-linggo
nagpupunta kami sa NFA warehouse para kumuha ng NFA
Rice. Mura at may dekalidad ang mga bigas. Sinasabing
dati ang pilipinas ay major exporter ng bigas. Ngayon
ang Pilipnas ay major importer ng bigas. Nasa Pinas
ren ang International Rice Research Institute (IRRI).
Ang mga bigas ay nag mumula sa Vietnam, Thailand at
Estado Unidos. Malas malas molang kapag ang sako
nakuha mo ay mga latak sa ware house ng supplier dahil
maliban sa bigas ang laman mga tae ng ibon, pusa, upos
ng sigarilio o maliliit na bato mula Vietnam o
Thailand ang mahahalukay mo.
Walang problem sa supply ng bigas, ang problema ang
lokal na bigas na inaani dito sa pinas ay napaka
mahal. Katumbas ang isang litrong gasulina o krudo.
Napaka mahal nga ng pagproproseso at pagdeliver ng
bigas ika nga ng ibang mamumuhunan napaka mahal daw ng
koryente ng pilipinas dahil malaki ang porsyente nito
ay nagmumula sa inaangkat na krudo.
Maraming paraan na ang ginagawa ng iba't-ibang
retailers para makotrol ang pamamahagi ng murang bigas
sa nagmumurahan na nagrereklamong mga costumer.
"Dapat patayin si Gloria... pahirap!" - pahayg ng
isang "ENGOT" na costumer na nasa middle class at
bumubili ng NFA Rice. Matatawa ka nalang sa
iba't-ibang uri ng tao kapag siguro gutom at walang
laman.
Ang iba namaing mga costumer ay nagmumula pa sa
inbang barangay para lamang makabili ng murang bigas.
Nababahala lang ako sa mga costumer kapag bumili ng
NFA ay pa-engles, nagmumukhang di pa nakakain ng ilang
araw.
Ang iba naman ay nagbibihis gusgusin, na alam mo na
mas mayaman pa sa iyo.
Ang pinaka nakakatawa ang isang katulong na bumili ng
NFA Rice na pinatanggal sa balot ng NFA at ipinalipat
sa ibang plastic. (hmmm... di naman niya malalman ng amo niya
na NFA yun...)
Nababahala lang ako sa sitwasyong maaring maging
malala. Nagbigay ng patakaran na ipinag babawal ang
mga bata sa sampung (10) taong gulang pababa ang
bumili ng NFA Rice. ang ibang NFA retailer ay nasa
labing tatlong (13) taong gulang pababa ang ipinag
babawal bumili ng NFA. Kung lumala pa ito maaring ito
na ang maaring makita mo:
---------------------------------------------------
NOW SELLING
N.F.A.
RICE
Rated: R 18
(Strictly Sold to Adults Only)
18.25* per kilo
*Platic Bags not included sold separatly
N.F.A.
RICE
Rated: R 18
(Strictly Sold to Adults Only)
18.25* per kilo
*Platic Bags not included sold separatly
------------------------------------------------------
Only in the Philippines ika nga....
No comments:
Post a Comment